P210,000 halaga ng 'shabu' nasamsam sa isang pamilya sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2018 07:39 PM

Nakumpiska ang P210,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang mag-asawa at anak nito sa Legazpi City, Albay nitong Lunes ng gabi.

Arestado ang mag-asawang sina William at Elvira Chua at anak na si Eric matapos mahulihan ng 11 sachet ng droga.

Ang isa pang anak ng mag-asawa ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison dahil din sa ilegal na droga, at siya umano ang nasa likod ng operasyon ng pamilya.

Itinanggi naman ng padre de pamilya ang mga narekober na ilegal na droga at alegasyon na sangkot ang kanilang pamilya sa ilegal na transaksiyon.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, 106 na barangay pa lang ang drug-cleared sa 3,471 na barangay sa Bicol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.