3 drug suspects timbog sa Davao City

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2017 06:28 PM

DAVAO CITY - Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhang nagsha-shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Sta. Ana Police sa Davao City Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Raqueeb Banjal, 29 taong gulang; Darwin Vargas, 26 taong gulang; at Redgee Bolfanggo, 27 taong gulang.

Nakita ring nakakalat sa loob ng kwarto ni Banjal ang mga aluminum foil, lighter at tooter na ginamit umano sa session.

Labing tatlong sachet ng hinihinalang shabu ang narecover ng kapulisan na nagkakahalaga ng P20,000.

Aminado si Banjal na gumagamit at nagbebenta ng shabu, pero itinanggi nina Bolfanggo at Vargas ang mga akusasyon sa kanila.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, sa Cotabato City ang source ng shabu ng mga suspek at sa Boulevard area sa Davao City nila ito binabagsak.

Kinasuhan na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.