Lalaking sinaksak at pinutulan ng ari, namatay na

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2016 08:39 PM

Binawian na ng buhay ang lalaking pinagsasaksak at pinutulan ng ari sa Barangay San Francisco sa Baao, Camarines Sur.

Nagtamo ng tatlong saksak sa tiyan at isang saksak sa likod si Gaspar Ermo, 40 taong gulang. Pinutulan rin ito ng ari. 

Nangyari ang insidente noong Huwebes. Nitong Sabado ng madaling araw, tuluyan nang binawian ng buhay si Ermo.

Nakatakas ang suspek na kinilalang si Victor Boaquiña. Selos ang nakikitang dahilan ng pulisya sa insidente.

Nagalit umano ang suspek nang abutan ang asawang si Myrna at si Ermo na magkatabi sa upuan.

Itinanggi ni Myrna na may relasyon sila ng biktima. Matagal nang magkasosyo sa negosyong pag-iitik si Ermo at si Myrna.

Maging ang pamilya ng biktima, hindi naniniwalang may relasyon si Ermo at si Myrna.

Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban kay Boaquiña.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.