Napuno na ang mga mambabatas sa patuloy na pag-iwas at pagsisinungaling umano ng opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Linconn Ong.
Dahil dito, iniutos ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na tuluyan nang dalhin si Ong sa Pasay City Jail at doon ikulong.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Senado si Ong matapos patawan ng contempt at ipaaresto ng Senado dahil din sa pagiging mailap sa mga tanong ng mga mambabatas.
“Pagod na rin ako eh, the Chair orders upon motion of Senator Lacson, Drilon, Hontiveros and Pangilinan as approved by the Senate President… Chair orders the Sergeant-at-arms transfer this man to Pasay City Jail,” utos ni Gordon
Si Ong ang tumatayong director ng Pharmally na nakipag-usap kay dating presidential adviser Michael Yang na siyang nagpakilala sa kanya sa mga supplier sa China para maideliver ang mga inorder na medical supplies ng Procurement Service- Department of Budget and Management (PS-DBM).
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.