PatrolPH

Bride napaiyak matapos umanong ma-scam ng wedding organizer sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2021 03:31 AM | Updated as of Sep 24 2021 02:34 PM

Watch more on iWantTFC

Isang bagong kasal ang napaiyak matapos madiskubre na ang kanilang reception venue dapat sa lungsod ng Cebu ay sarado at hindi binook umano ng kaniyang wedding organizer.

Ibinahagi ng nagsilbing wedding videographer na si Tonskie Elsisura sa Facebook ang reaksyon ng mga bagong kasal na sina Cherry Pie and Ariel Purisima nang madiskubre nila wala silang reception.

Makikitang umiiyak si Cherry Pie habang suot pa ang kaniyang wedding gown.

Watch more on iWantTFC
Courtesy of Tonskie Elsisura

Nagpakasal ang dalawa nitong Miyerkoles sa isang simbahan sa bayan ng Minglanilla, Cebu. Pero pagdating nila sa naturang reception venue sa Labangon, Cebu City naging iba ang emosyon ng mag-asawa. 

"Walang handa, wala lahat!" reaksiyon ni Elsisura sa Facebook. Dagdag niya, wala talagang binook na event sa venue. 

Aniya, hindi siya umano binayaran ng wedding organizer at ang venue management kaya hindi natuloy ang reception. Hindi lang daw ito sinabi sa kanila.

Inaresto ng pulisya ang naturang organizer sa kaniyang bahay sa Casili, Consolacion, sa bisa ng isang bench warrant. Nakasuhan na umano siya ng estafa noong 2017.

Bumuhos naman ang tulong para sa mag-asawa, at kasama dito ang celebrity na si Neri Naig-Miranda. Sa isang Facebook post, nag-alok siya ng tulong para gastusan ang kanilang reception, kasama na ang mga program, pagkain at iba pa.

"Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo," aniya.

Bukod kay Neri, ibang lokal na establisiyimento ang nag-alok din ng tulong at regalo sa mga bagong kasal. — Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.