Lalaki nahulihan ng higit P2.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Baclaran

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2021 06:34 AM

MAYNILA—Arestado ang isang 33-anyos na umano’y tulak ng droga sa isang operation sa Barangay Baclaran, Parañaque Martes ng hapon.

Ayon sa Parañaque City Police, bumili ang kanilang poseur buyer ng nasa P4,000 halaga ng shabu mula sa suspek na kinilalang si Joey Sotto de Leon. Sinampahan na si De Leon ng kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Isinagawa ang buy-bust sa harap ng isang restaurant sa service road ng Roxas Boulevard.

Nasabat sa suspek ang 10 iba ibang size ng sachet ng umano’y shabu na aabot sa 379 gramo ang timbang. Tinatayang may street value itong P2,577,200. Ayon sa pulisya, taga-Pasay City si De Leon.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC