Tutang nakuryente sa sunog, na-rescue

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 10:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nailigtas ang tutang nakuryente sa loob ng nasusunog na bahay ng amo sa Regent Pearl Homes Subdivision sa Barangay Alijis, Bacolod City.

Linggo ng gabi nang sumiklab ang apoy at hindi agad nakalabas ang tuta matapos na makuryente.

Nailigtas ang tuta makaraang i-CPR ito ng tatlong minuto ni volunteer firefighter Albert Mendoza.

Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang pinsala nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.