'Porn' o 'x-rated'?: Mambabatas layon ang regulasyon ng mga tabloid na may seksuwal na laman

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 08:10 PM | Updated as of Sep 24 2019 08:30 PM

MAYNILA - Isang mambabatas ang nais na ituring na pornographic o x-rated ang mga tabloid na may mga istorya at larawang seksuwal.

Naghain ng panukalang batas si Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo na layong limitahan ang distribusyon ng mga tabloid na may seksuwal na mga istorya at larawan.

Ani Castelo, na isang dating tagapagbalita, dapat na ituring na pornographic o x-rated ang mga nasabing tabloid.

Layon ng House Bill No. 4733 na gawing "only for adults" o para lamang sa mga edad 18 pataas ang mga tabloid na may seksuwal na mga larawan at istorya.

Dagdag pa niya, nararapat na magkaroon ng regulasyon sa mga tabloid katulad ng ginagawa sa mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Paliwanag ni Castelo, napapanahon ang ganitong batas para mailayo ang kabataan sa pornograpiya, lalo na't patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng teenage pregnancy sa bansa.

null

null

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.