Mag-asawa patay sa pamamaril sa Agusan del Sur

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 11:16 PM

Nakaratay ang mag-asawang Crispin at Zebrian Orlandez sa isang highway sa bayan ng San Francisco sa Agusan del Sur matapos silang pagbabarilin nitong Martes. Kuha ni Bryan Galaraga

SAN FRANCISCO, Agusan del Sur - Dead on the spot ang isang mag-asawa matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa isang highway sa Barangay Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur nitong Martes.

Ayon sa pulisya, lulan ng motorsiklo si Crispin at Zebrian Orlandez at pauwi na sana nang pagbabarilin ng mga salarin na nakasakay sa isang van. 

Agad tumakas ang mga salarin.

Hindi pa tiyak ang motibo ng pamamaril. 

Patuloy pa ang imbestigasyon at tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.