Dahil sa swine fever: Pork siopao mula Maynila, sinunog sa Negros

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 11:51 AM

Kuha ni provincial veterinarian Dr. Renante Decena

Sinunog sa Negros Occidental ang 27 kilo ng pork siopao mula Metro Manila matapos kumpiskahin sa Bacolod Silay Airport, Linggo ng hapon.

Ito'y resulta ng maigting na pagbabantay ng African swine fever task force, ayon kay provincial veterinarian Dr. Renante Decena.

Ipinagbabawal sa probinsya ang pagpasok ng kahit anong pork meat products mula Luzon upang maiwasan ang kontaminasyon ng ASF sa probinsiya.

Kuha ng Negros Occidental provincial veterinarian
Kuha ng Negros Occidental provincial veterinarian
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.