Binatilyo, kasamahan tiklo sa Bacolod buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 04:38 AM

NEGROS OCCIDENTAL—Arestado ang isang binatilyo sa buy-bust operation sa Bacolod City, Negros Occidental Lunes ng gabi.

Nasa drugs watch list ang 16 anyos na suspek, ayon sa Police Station 2. Nakuha sa kanya ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Timbog rin ang kaniyang 25 anyos na kasamahan na nahulihan ng isang sachet ng umano'y shabu.

Tinatayang nasa P180,000 ang halaga ng mga nakumpiskang droga sa kanila.

Kulong sa Police Station 2 ang 25 anyos na suspek habang dinala naman sa social development center ng lungsod ang binatilyo.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kanilang haharapin.—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.