3 patay sa aksidente sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 07:02 PM

TALISAY CITY, Negros Occidental - Dead on the spot ang tatlong tao matapos ma-hit-and-run sa national highway ng Talisay City, Negros Occidental Martes ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang birthday party sa Silay City ang mga biktima at sakay sa dalawang pedicab pauwi.

Nang makarating sa Barangay Bubog, isang sasakyan ang bumangga sa kanilang likuran.

Agad na tumakas ang sasakyang nakabangga sa mga biktima pero natagpuan rin siya ng mga pulis matapos ang 6 na oras.

Wasak ang harapan ng sasakyan pati na ang windshield nito.

Ayon sa 28 antos na suspek, hindi niya umano nakita ang dalawang pedicab dahil wala itong reflector o ilaw at madilim sa highway.

Hindi rin umano siya sumuko agad dahil napangunahan siya ng nerbiyos.

Hinihintay pa ng pulisya kung may amicable settlement na mangyayari sa mga pamilya ng biktima at suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.