10 araw na water interruption mararanasan sa ilang parte ng NCR, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 01:41 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-abiso ang water concessionaire na Maynilad na magkakaroon ng 10 araw na water service interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite simula Setyembre 27. 

Magtatagal ito hanggang Oktubre 7 (Lunes) at maaapektuhan ang ilang parte ng Muntinlupa, Imus at Bacoor sa Cavite, Las Piñas, at Parañaque. 

Ayon sa Maynilad, bunsod ito ng pagsasagawa ng ikalawang bugso ng kanilang Putatan Water Treatment Plant 2 Project na layong palawakin ang serbisyo ng Maynilad sa mga apektadong lugar. 

Sa panayam sa DZMM, sinabi ni Grace Laxa, assistant manager ng Maynilad Media Relations Office, may mga nakahandang 30 trak ng tubig na aayuda sa mga apektadong lugar sa oras na magsimula ang water interruption. 

"Naka-standby na po iyon. Basta ito po ay iikot sa mga identified na lugar na medyo mahirap na makakuha sila ng tubig," ani Laxa.

Narito ang schedule ng water interruption: 

Alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi:

  • MUNTINLUPA
    •  Alabang (Alabang Commercial Corp, Buencamino, Tierra Nueva, DSWD - Field office IV, DSWD - The Haven National Center For Women, Elsie Gaches Village, Filinvest Corporate City, Golden Arches Dev. Corporation - McDonalds Muntinlupa, Haven For Children, Philippine National Railways, PLDT- Alabang, PNR Muntinlupa Station, San Jose Village, Sitio Masagana, Sitio Pag-Asa, Toyota Alabang Inc., Tuloy Foundation, Villa Donata, Pacific Village) 
    •  Ayala Alabang (Alabang Commercial Corp, Alabang Town Center, Common Goal Real Properties Inc, Frabelle Properties, Intermed Marketing Phil Inc, Madrigal Business Park, Metro Retail Stores Group Inc, Philam Life Assurance Co, Richville Corporate Tower Condo Association and Stalwart Realty Inc./B Hotel 
  • • PARAÑAQUE 
    •  BF Homes (Heva, Palace, V. Valdez, Tropical Ave., Marcelo Ave,. J. Elizalde, N. Abelardo) 
  • • LAS PIÑAS 
    •  Almanza Uno, CAA
    •  Manuyo Uno (Perpetual Village) 
    •  Manuyo Dos (BF Martinville Tionquiao and Woodsrow 3 Canaynay Road)
    •  Pamplona Uno
    •  Pamplona Dos 
    •  Pamplona Tres
    •  Pilar
    •  Pulanglupa Uno
    •  Pulanglupa Dos
    •  Talon Uno
    •  Talon Dos
    •  Talon Tres
    •  Talon Singko
    •  Zapote 
  • • BACOOR, CAVITE 
    • Molino I hanggang IV
    • Molino VI at VII
    • Queens Row Central
    • Queens Row East
    • Queens Row West
    • San Nicolas III
  •  IMUS, CAVITE 
    •  Pusong Buaya

Alas-12 ng tanghali hanggang ala-1 ng madaling araw 

  • MUNTINLUPA 
    • Sucat
  • • PARAÑAQUE
    • BF Homes (Goodwill 2, Sampaloc, President's Ave., Tahanan Village, Gil Puyat, President's Ave., Lirag, Dela Rama, Ipil Village, J. Elizalde, Jackielou Ville, A. Luz, Pitong Daan, Vinzon, Nicanor Jacinto/Aguirre, D. Tuazon/Aguirre, Tehran, D. Cabellion/J. Elizalde, Phase 6 BF, Mayuga BF, Massville, Villongco) 
    • Don Bosco
    • Marcelo Green
    • San Martin De Porres
    • San Antonio 

 Alas-2 ng hapon hanggang ala-2 ung madaling araw 

  • MUNTINLUPA 
    • Cupang (Amkor Technology Philippines, Geremillo Arevalo, ML Quezon, Cupang, MLM Foods Inc., Nofuente Compound, Purok 1-6, Zeta Prime Properties Phils. Corp, Alabang Hills, Don Jesus Boulevard, Hillsborough Village, Immaculate Concepcion, Intercity Homes Subd., Jy and Sons Reality, Kalipayan Homes, Alabang 400, Meralco Company, Paref Southridge School Inc., at Wamrus Tkg Realty Inc.) 
    • Alabang (Blossoms Estate Inc., Rizal Village, Crispin Ext., Rizal Village, Filinvest Housing at Toyota Alabang Inc.) 
    • Buli (Espeleta, Anuva, at ML Quezon) 

Alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng madaling araw 

  • IMUS, CAVITE 
    • Anabu I-E hanggang I-F
    • Anabu II-A hanggang II-D

Alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga

  • IMUS, CAVITE 
    • Anabu II-E hanggang II-F
    • Bucandala IV hanggang V
    • Malagasang I-A hanggang I-G 
    • Malagasang II-A hanggang II-G

Nagpayo ang Maynilad sa mga residente na mag-ipon ng tubig bago magsimula ang water interruption. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.