1 patay, 5 arestado sa droga sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 04:40 AM

MAYNILA—Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa buy-bust operation sa Barangay 201, Zone 20, Pasay City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City police, target ng operasyon si alyas Manny na umano'y tulak ng droga sa lugar.

Nang malaman ni Manny na pulis ang kaniyang katransaksiyon, nagpaputok umano siya ng baril na nauwi sa engkuwentro.

Dead on arrival ang suspek nang dalhin sa Pasay City General Hospital.

Nakuha kay Manny ang isang kalibre .45 na baril at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, 5 lalaki rin na nasa drugs watch list ang nahuli ng mga pulis sa kaparehong barangay.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.