Taxi driver, patay matapos pagsasaksakin nang 13 beses

Justin Aguilar, AsBS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 08:48 PM | Updated as of Sep 24 2018 08:49 PM

BAGUIO CITY - Tutok ngayon ang mga pulis sa kaso ng pananaksak sa isang 63-anyos na taxi driver sa lungsod na ito Linggo ng madaling araw.

Natagpuang duguan sa loob ng kaniyang taxi ang driver na kinilalang si Francisco Escaño. Nagtamo ito ng 13 saksak sa leeg, dibdib, at tiyan.

Ayon sa mga pulis, hindi nabawasan ang kita ng driver. Pero kuwento ng mga kaanak ng biktima, nawawala ang dala nitong pera na nagkakahalaga ng P6,000.

Hinala nila, pagnanakaw ang motibo sa likod ng pagpatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang salarin at totoong motibo sa likod ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.