P6.8-M halaga ng umano'y shabu nasabat sa Bacoor, Cavite

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 01:12 PM

MAYNILA - Apat ang arestado sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Linggo, matapos na umano'y magbenta ng ilegal droga.

Nasabat ng mga operatiba sa bahay ng mga suspek sa Central Molino 3 ang isang kilo ng hinihinalang shabu, na sa tantsa ng Dangerous Drugs Board ay nasa P6.8 milyon.

Napag-alaman ng pulisya na gumagalaw ang grupo ng mga suspek sa Bacoor at sa ilang lugar sa Mindanao. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mahuli ang iba pa nilang kasamahan.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa dangerous drugs act ang mga nahuling suspek.--ulat mula kay Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.