Lola, patay nang mabundol ng motorsiklo sa Bacolod

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 05:31 PM

BACOLOD CITY - Patay ang isang lola matapos mabangga ng isang motorsiklo Lunes ng umaga sa Barangay Sum-ag sa lungsod na ito.

Ayon sa traffic investigator, tumawid ang biktima na si Trinidad Nullas nang mabangga ito ng motorsiklo na minamaneho ni Eric Montero.

Ayon kay Montero, malayo pa ay nakita na niya ang biktima kaya binusinahan niya ito.

Pansamantalang huminto ang biktima pero itinuloy pa rin nito ang pagtawid kaya't nabangga niya ito.

Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan si Nullas na ikinamatay nito.

Tumilapon rin si Montero at nagtamo ng mga sugat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.