Lalaki patay nang 'manlaban' sa Zamboanga City

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 03:41 PM

ZAMBOANGA CITY - Patay sa shootout ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Sitio Baluno, Barangay Bungiao sa lungsod na ito Sabado.

Kinilala ang lalaki na si Rosendo Lorenzo. Ayon sa pulisya, aarestuhin sana si Lorenzo dahil sa kasong murder.

Sa halip na sumuko, nagpaputok umano ito sa pulis at nanlaban.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan si Lorenzo na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Nakuha sa kaniya ang isang baril.

Arestado din sa parehong operasyon ang anak ng dating barangay chairman ng Barangay Camino Nuevo.

Nakumpiska ng pulisya ang isang 40-millimeter grenade launcher, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at mahigit P1,000 pera.

Kasalukuyang nakakulong ngayon ang suspek sa Police Station 3.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.