Chinese national timbog dahil sa hinihinalang shabu sa Roxas Blvd

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 05:26 PM

MANILA - Arestado sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang Tsino na umano'y sangkot sa multi-milyong pisong transaksiyon sa ilegal na droga. 

Sakay ng kanyang sasakyan na nasa Roxas Boulevard ang suspek na si Lin Hua Sen nang siya ay arestuhin ng mga operatiba. Nakaposas at nakaupo na sa bangketa ang suspek nang datnan ng midya. 

Nadiskubre umano sa sasakyan ni Lin ang dalawang maleta na punong-puno ng mga hinihinalang shabu.--ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.