1 patay, 3 sugatan sa aksidente ng tricycle sa Silay City

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2018 04:29 PM

SILAY CITY - Isa ang patay habang tatlo ang sugatan nang matumba ang tricycle na kanilang sinasakyan sa Barangay Patag sa lungsod na ito Linggo ng hapon.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang aksidente sa kurbadang bahagi ng Lantawan Road.

Nawalan umano ng kontrol ang drayber ng tricycle na si Kenneth Maalat kaya natumba ang tricycle.

Idineklarang dead on arrival si Remond Ocsayon, 28-anyos.

Kasalukuyang nakadetine sa police station si Maalat. Hinihintay pa ng pulisya ang magiging desisyon ng pamilya ni Ocsayon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.