Hinihinalang NPA, patay sa engkuwentro sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2017 04:15 PM

MANILA - Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People's Army matapos makasagupa ang puwersa ng gobyerno sa bulunduking bahagi ng Batangas City, Linggo.

Pasado alas-9 ng umaga pumutok ang engkuwentro sa boundary ng mga barangay ng Cumba, Talumpok Silangan at Talahib Pandayan, ayon kay Batangas police chief Supt. Norberto Delmas. 

Hindi pa nakikilala ang umano'y NPA fighter na nasawi sa insidente. 

Nahihirapan ang mga awtoridad na pasukin ang lugar dahil sa mga ikinalat na improvised explosive device ng NPA, dagdag ni Delmas. 
 
Naglatag na aniya ng checkpoints sa Batangas City, kasabay ng pag-monitor sa mga ospital. 

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.