Construction worker, patay matapos mahulog sa ginagawang gusali sa QC

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2017 08:14 AM

MANILA - Patay ang isang construction worker matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng itinatayong gusali sa loob ng isang kilalang unibersidad sa Katipunan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Danilo Maala, 37 anyos, mula pa sa San Fernando, Pampanga.

Batay sa imbestigasyon, inaalis ni Maala ang nakakabit na beam sa ginagawang gusali nang mawalan ito ng balanse at malaglag.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay dahil sa tindi ng sinapit na pinsala sa ulo.

Inaalam pa kung may pananagutan ang contractor ng gusali sa naturang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.