Drug pusher, patay sa pamamaril sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2016 02:07 PM

AGUSAN DEL NORTE - Patay sa pamamaril ang isang lalaki habang nagmamaneho ng motorsiklo sa bayan ng Butuan noong Biyernes.

Nakilala ang biktima na si Stephen Kim Anecito, ang naiulat na umanong numero 1 sa Target Drug Watch List sa bayan ng Magallanes, Agusan del Norte.

Hindi pa nakilala ng mga pulis sa Magallanes ang mga namaril sa biktima.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng 45mm na baril.

Natagpuan din umano sa ilalim ng damit ng biktima ang karatula na may nakasulat na "AYAW AKO NINYO SUNDA PUSER AKO [Huwag ninyo akong tularan, pusher ako]."

Dati nang sumuko sa Oplan Tokhang si Anecito ngunit na-monitor ito na patuloy pa rin umano sa pagtutulak ng shabu, ayon sa mga pulis.

--with reports from Mey Diez, ABS-CBN News