MAYNILA — Suspendido ang klase sa ilang lugar ngayong Sabado, Setyembre 23, dahil sa volcanig smog o vog mula sa Bulkang Taal.
LAHAT NG ANTAS, PUBLIC AT PRIVATE
- NAIC
- IMUS
- SAN PEDRO, LAGUNA
- MARIKINA CITY
Balot pa rin ng makapal na vog ang Batangas nitong Biyernes, habang nagkakasakit na ang ilang residente.
Nangangamba naman ang ilan sa epekto ng vog kung magpapatuloy ang aktibidad sa Bulkang Taal sa mga susunod na araw.
Simula pa lamang noong unang linggo ng Setyembre ay nakakaranas na ng vog sa paligid ng bulkan.
Paalala ng Phivolcs na iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan, at magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay.
Maaari rin umanong magdulot ng acid rain ang vog, na maaring makaapekto sa mga tanim at maging sa mga bubong ng bahay at gusali.