PatrolPH

Bentahan ng bilog na prutas sa Maynila mas masigla na

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2022 02:01 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Mas nagiging masigla na ang bentahan ng prutas sa Maynila, ayon sa mga nagbebenta. 

Ang talipapa market sa labas ng Quiapo church ay isa sa pinaka abala tuwing Biyernes dahil ang mga deboto na nagsisimba ay halos dito na din namamalengke.

Ang sabi ng mga nagtitinda dito, bagaman hindi pa ganun kalakas ang bentahan, bahagyang sumisigla na ito. 

Sa katunayan ay nakakabawi bawi na daw sila kumpara noong nakaraang taon.

Nagtaas na din daw sila ng presyo dahil mataas na din ang bayad sa pagbiyahe at paghango nila ng mga prutas.

Hindi pa din daw sila sigurado kung magtataas pa sa mga darating na buwan.

Depende daw ito sa kanilang supplier na karamihan ay nasa norte o kung hindi naman ay imported katulad ng mansanas at mga ubas.

At kahit nagtaas na sila ng presyo ay sinusubukan pa din nila na ipantay sa mga bagsakan ng prutas sa Divisoria at Balintawak Market.

-- Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.