PatrolPH

Babaeng tumatawid sa EDSA patay matapos masagasaan ng bus

Anjo Bagaoisan , ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2021 09:31 AM | Updated as of Sep 23 2021 11:44 AM

MAYNILA - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae nang mabangga ng bus sa EDSA sa Makati Miyerkoles ng gabi.

Nasagasaan ng RRCG bus ang babae sa northbound lane ng highway lagpas ng Magallanes flyover pasado 9:30 p.m.

Ayon sa impormasyong nakuha ng MMDA Metrobase, tumawid galing sa Southbound lane ang babae at dumaan sa ilalim ng istasyon ng MRT-3.

Nang tumawid siya sa northbound lane, nabangga siya ng bus na pababa mula flyover galing Pasay.

Ayon sa ilang nakakita, nakaladkad pa ang babae bago nakatigil ang bus.

Isa umanong palaboy ang biktima.

Kinilala ang driver na si Ramel Caralde, na nasa kustodiya ngayon ng traffic investigation unit ng Makati City Police.

Maaari siyang humarap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.