Truck na may kargang metal coil tumagilid sa Valenzuela City

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2020 03:31 PM

MAYNILA - Tumagilid sa parte ng Mindanao Avenue na kinasasakupan ng Valenzuela City ang isang truck na may kargang metal coil umaga ng Miyerkoles. 

Dahilan ito para magkaroon ng traffic sa lugar. 

Ayon kay Antonio Maranan, driver ng truck, pasado alas-11 ng umaga habang paliko siya sa Mindanao Avenue galing NLEX ay bigla umanong tumagilid ang truck na kaniyang minamaneho dahil sa bigat ng karga na metal coil.

Bumalagbag at naokupa ng tumagilid na truck ang bahagi ng isang lane sa Mindanao Ave.

Wala namang nasugatan sa aksidente pero nagdulot ito ng mabagal na daloy ng trapiko sa lugar. — Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.