#WalangPasok: Setyembre 23, Lunes

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 12:10 PM | Updated as of Sep 23 2019 01:11 PM

MAYNILA - Walang pasok sa mga lugar na ito ngayong Lunes, Setyembre 23 para sa ika-27 National Family Week.

Nagsuspinde ng trabaho at pasok sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan ang Department of Education simula alas-3 ng hapon.

Nagdeklara rin ng walang pasok ang Maynila sa lahat ng antas, pribado at pampubliko, simula alas-2 ng hapon.

Kanselado naman ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa mga sumusunod:

  • Lahat ng ahensiya ng executive branch: simula alas-3 ng hapon
  • Caloocan: simula alas-2 ng hapon
  • Malabon: simula alas-2 ng hapon; mananatiling bukas hanggang alas-5 ng hapon ang Treasury at Local Civil Registry ng lungsod
  • Manila: simula alas-2 ng hapon
  • Navotas: simula alas-2 ng hapon
  • Pasig: simula alas-2 ng hapon
  • Quezon City: simula alas-2 ng hapon
  • Taguig: simula alas-2 ng hapon

Nag-anunsiyo rin ang Korte Suprema ng mas maikling oras ng trabaho ngayong Lunes.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.