Lalaki patay sa salpukan ng motorsiklo, UV Express sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 01:01 PM

Napatay ang isang lalaki matapos sumalpok sa UV Express ang minamaneho niyang motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong madaling araw ng Lunes.

Dead on the spot ang rider na si Jeffrey Lanuza matapos tumilapon sa kalsada nang salpukin sila ng UV Express.

Isinugod naman sa ospital ang angkas ni Lanuza na nagtamo ng bali sa binti.

Wala umanong helmet ang 2 sakay ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Ronel Rieta, driver ng UV Express, binabaybay nila ang westbound lane ng Commonwealth Avenue nang biglang sumalubong ang motorsiklo na nagka-counterflow.

Nasaktan naman ang isang pasahero ng UV Express.

Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ni Lanuza pero nanawagan sila sa driver ng UV Express na sagutin na lang ang pagpapalibing sa anak.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.