Lalaki patay, 2 sugatan sa pambubugbog ng mga 'lasing' sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 08:52 AM | Updated as of Sep 23 2019 08:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Patay ang isang 50-anyos na lalaki habang sugatan ang kaniyang pinsan at kaibigan matapos pagbubugbugin ng 4 na kabataang hinihinalang lasing sa Barangay 78, Caloocan City. 

Bumibili ng sigarilyo ang mga biktima nang pagsusuntukin sila ng mga lalaking suspek na nasa 24-anyos, ani police Cpl. Mark Julius Pajaron. Posible aniyang nakursunadahan lamang ng mga nakainom na suspek ang mga biktimang hindi naman nila kakilala. 

Nahuli ang mga suspek nasa 300 metro ang layo mula sa crime scene matapos silang harangin at kuyugin ng mga pedestrian, ayon kay Barangay 78 Chairman Peewee Nicolas. 

Hindi naman umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Richard Gregorio dahil sa tindi ng tama sa ulo, habang nagpapagaling pa ang kaniyang pinsan na si Luisitio Gregorio at kaibigan na si Simplicio Navarro. 

Tumangging humarap sa camera ang mga suspek, samantalang desidido sina Gregorio at Navarro na kasuhan sila. 

May ulat nina Lyza Aquino at Kevin Manalo, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.