2 teenager tiklo sa 'pagnanakaw' ng electic fan atbp sa sariling paaralan

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 09:09 AM

BACOLOD, Negros Occidental - Inaresto ang 2 senior high school students, edad 18 at 16, matapos umano silang magnakaw ng mga gamit mula sa kanilang paaralan sa lungsod na ito, Linggo ng madaling-araw. 

Hinuli ng security guard ang mga binatilyo matapos lumabas sa classroom nang dala ang 3 electric fan, 2 bluetooth speaker, shorts, pabango at iba pang kagamitan, ayon sa mga pulis na nakiusap na huwag pangalanan ang paaralan. 

Iginiit naman ng isa sa mga teenager na nagawa lang nila ito dahil kapos sila sa pera. 

Gayunman, kakasuhan ng robbery ng paaralan ang kanilang 2 estudyante. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.