2 putol na paa natagpuan sa bakanteng lote sa Tacloban

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 05:59 PM

TACLOBAN CITY - Natagpuan ng ilang mga residente sa bakanteng lote sa Peerless Subdivision sa Barangay Bagacay sa Tacloban City ang dalawang putol na paa ng tao Lunes ng umaga.

Nakalagay sa garbage bag at nasa loob naman ng isang kahon ang mga paa at katabi ng ilang mga nakakalat na basura.

Ayon kay Kapitan Jonathan Daylo, isinumbong sa kanila ng ilang residente ang nakitang mga paa ng tao na posibleng itinapon sa lugar.

Nakumpirma ng barangay na paa ng tao ang natagpuan kaya agad itong ipinagbigay alam sa Station Two ng Tacloban City Police Office.

Bago magtanghali nitong Lunes, dumating naman ang scene of the crime operatives upang idokumento ito.

Inaalam pa ngayon ng police kung sino ang nagtapon ng nasabing paa ng tao sa nasabing lugar at kung bakit ito doon itinapon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.