49 anyos na negosyante patay sa ambush sa Cebu City

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2019 09:10 AM | Updated as of Sep 24 2019 07:50 PM

CEBU CITY - Patay ang isang 49-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng 2 naka-motorsiklong lalaki sa Barangay Mabolo sa lungsod na ito, Linggo ng gabi. 

Nagmamaneho ng sports utility vehicle ang biktimang si Jeffrey Gomonit nang tabihan at pagbabarilin siya ng mga naka-bonnet na suspek, ilang metro lang ang layo mula sa istasyon ng pulisya. 

Hindi inabutan ng mga awtoridad ang mga gunman. 

"May iba din kasing nilalakad ang ating mga roving police nang mangyari ito," paliwanag ni Lt. Pablito Saldo, deputy chief ng Mabolo police. 

Kabilang aniya sa mga iniimbestigahan ng pulisya ang indibidwal na tinagpo ni Gomonit sa isang mall sa downtown Cebu bago ang pamamaril. 

Tumangging magbigay ng panayam ang pamilya ni Gomonit, na nagnenegosyo bilang hauler ng buhangin, graba, at bato. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.