Jackpot sa UltraLotto, pumalo na sa P700 milyon

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 10:00 PM | Updated as of Sep 24 2018 12:21 AM

MAYNILA — Wala pa ring nanalo ng P704,720,320 jackpot prize sa UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo.

Walang nakakuha sa winning combination na 58-08-34-29-35-38.

Wala ring nanalo ng higit P50-milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na may winning combination na 18-43-32-21-30-31.