Failon Ngayon: Amnestiya sa pautang

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 12:04 PM | Updated as of Feb 17 2020 11:54 AM

Watch more in iWantTFC

Ang mga miyembro ng Social Security System o SSS at Government Service Insurance System o GSIS, maraming benepisyo na natatanggap at isa nga rito ang makautang para sa mga pangangailangan. Pero paano kung ang utang na minsan na nagtawid sa sa iyo sa kagipitan, ngayon ay tila parang multong naghahabol sayo?

Gaya ng takot na nararanasan ngayon ni Tatay Joseph sa P3,000 inutang niya sa SSS noong 1991. Pero dahil sa hindi inaasahan pangyayari nawalan ng trabaho si Tatay Joseph. Mula sa P3,000 utang, ngayon ay P25,000 na daw.

Malaking bahagi ng budget ng SSS ay inilalaan nila sa mga nangungutang at may ilang bahagi nito ang nahihirapan silang masingil.

Paliwanag dito ng Head ng Media Affairs ng SSS na si Ma. Luisa Sebastian, “Isa yan sa mga hamon ng SSS ayon sa datos natin, meron tayong mga 9 million borrowers sa SSS as of December 31. Ang nakalagay sa ating mga salary loans natin for example meron P78 billion na nakatalaga na for loan, P64.8 billion out of P78 billion ay currently paying, ibig sabihin paputol-putol pero namo-monitor natin iyun kanilang pagbabayad. Meron talagang hindi kayang makapagbayad, pero tina-track naman din natin yan, the problem is siympre iniintindi din natin yung mga members katulad niyan madaming nasasalanta ng kalamidad ung iba nawawalan naman ng trabaho, hinahayan din natin sila.”

At para makatulong sa mga miyembro at mapaikot muli ang perang ipinautang, may amnestiyang ibinibigay ang SSS sa mga delinkuwenteng magbayad. Tinawag nila itong Loan Restructuring Program. Ang paliwanag dito ni Sebastian, “Under the Loan Restructuring Program with Penalty Condonation iko-consolidate iyung lahat ng kanilang hiniram with SSS tapos pwede nilang gawin itong full payment or monthly amortization. Basta makipag-negotiate kung ano ang pinaka maagan na paraan para sa kanila ng pagbabayad basta hindi lalampas ng limang taon.”

Bukod sa magiging installment ang pagbabayad, tapyas na rin ang 12 percent na multa sa utang.

Kaya naman nang mabalitaan ni Tatay Joseph ang amnestiya, kara-karaka niyang binayaran ang lumobo niyang pagkakautang. Mula 25,000 na pagkaka-utang ay natanggalan ito ng 17,000. Kaya naman laking pasasalamat ito ni Tatay Joseph.

Kung ang SSS nga raw ay merong loan amensty na nakakatulong na makasingil sa mga napabayaang loans, nagbibigay din daw ang GSIS para sa mga empleyado ng gobyerno. Karamihan din daw kasi sa kanilang mga miyembro, problemado sa kanilang utang!

Lumobo rin ang utang ni Titser Inocencio Opao na kinuha niya sa GSIS noon pang 2011. Kwento niya, “Una kong inutang ay P87,000 tapos akala ko nadeductan ako hanggang nag-send ng letter noong 2017 si GSIS na may naiwang P45,000 na utang na naging P137,000 na dahil sa interest.”

Sagot ng GSIS hindi naman daw sila ang otorisado na mag-deduct sa payroll ng mga empleyado ng gobyerno ng kanilang hulog. Paliwanag ng President and General Manager ng GSIS na si Jesus Clint Aranas, “Hindi GSIS ang nagdededuct, ang government agency ang nagdeduct at nag reremit samin kaya meron kaming remittance officer din na miyembro din ahensya. Kaya kami meron problema na nadedukan sila hindi nareremit sa amin so sa aming libro walang lista hindi siya nagbayad pero nagbayad na pala sila. That’s why coordination is very important.”

At dahil dito, inalam ni Inocencio sa kanilang kagawaran kung bakit lumobo ang kanyang utang. Nalaman niya na may nababawas daw sa kanyang payroll pero hindi nakakarating o hindi ito naireremit sa GSIS. Kaya laking panghihinayang ni Inocencio ng malaman ang balitang ito.

Ang sagot naman ng DeEd tungkol sa issue ni Inocencio, hindi daw nila ito kasalanan dahil nire-record daw nila lahat ng nakukuha nila sa payroll. Kung wala daw silang billing na nakuha sa GSIS hindi nila ito kinakaltas.

Sagot naman ni Aranas ng GSIS sa isyung ito, “Kapag nakita namin na may mali o may kakagawan ang payroll officer o kasama ang head of agency nila na hindi sila nag reremit sa GSIS pina-filan namin sila ng kaso sa Ombudsman, marami na kaming conviction on this one. Kung hindi sila nag remit ang premium o contribution ng mga miyembro ang kawawa ay ung miyembro nakaltasan binulsa nila ung. Criminal case po yan”.


Sa ngayon ay pinagaaralan na raw ng GSIS ang pagkakaron ng loan amnesty para sa mga miyembro na may problema sa pagbabayad. Ang amnestiya raw kasi ay hindi palaging nandiyan para applyan at pakinabangan ng isang myembro.

Paalala naman ng SSS at GSIS, ang amnesty ay isang kontrata na kapag hindi mo pa rin sinunod ay lalong sasakit ang iyong ulo.

Para naman sa isang financial expert na si Ms. Salve Advisor, para makaiwas na sa pangungutang, dapat i-budget ng maigi ang pera. 

“Sa hirap ng panahon maiintindihan mo na kailangan mangutang talaga pero kung kayang hindi mangutang magtipid nalang muna. Mag-iingat tayo sa interest na tinatawag kasi minsan hindi natin naiisip na aba P20 lang naman ang ibabayad ko a day, pwede nay na hindi natin nakikita na iyung P20 na iyun. Pag pinagsasama-sama natin iyun ay parang doble ang babayaran mo. Ang daming hidden cost niyan, penalty, interest rates. Pag hindi natin pinigilan yung sarili natin, mababaon tayo.”

____

Abangan ang mga isyung lahat tayo may pakialam sa FAILON NGAYON tuwing Sabado pagkatapos ng I Can See Your Voice11:00 ng gabi sa ABS-CBN! 

Mapapanood ang replay ng FAILON NGAYON sa ANC tuwing Linggo, alas 2:00 ng hapon. 

Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa aming official Facebook pages, https://www.facebook.com/failon.ngayon.fanpage.
 
I-follow din ang Failon Ngayon sa aming official Twitter account sa https://www.twitter.com/Failon_Ngayon o @Failon_Ngayon at gamitin ang hashtag na #FailonNgayon.

Maaari ding mapanood ang ibang segments at episodes ng Failon Ngayon sa Youtube at iwant tv! Bisitahin lamang ang www.youtube.com/abscbnnews at ang www.iwanttv.com