10 tiklo sa anti-drug ops sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2018 08:07 PM | Updated as of Sep 23 2018 09:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang 10 katao, kabilang ang pinaghihinalaaang pinuno ng isang drug group, sa magkakasunod na operasyon kontra droga sa Rizal. 

Naaresto sa isang tindahan sa Rodriguez, Rizal ang tatlo hinihinalang drug pusher, kasama ang lider umano ng Arsad drug group na si Arsad Dinilogun. 

“Mayroon silang itinuro na mga kasama nila sa pag-distribute ng droga. Pag nakukulangan sila sa distribution, pinapasa nila sa iba,” ani Rizal police director Senior Supt. Lou Evangelista. 

Nasabat sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000. 

Sa isang follow-up operation naman, apat pang umano'y kasama at katransaksyon ng nasabing groupo ang naaresto sa Taytay, Rizal. Bukod naman sa droga ay nakuha rin sa kanila ang isang baril.

Tatlong iba pa ang naaresto sa dalawa pang buy-bust operation sa Antipolo, Rizal. 

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.