2 pusher arestado sa Pasig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2017 01:53 PM

Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na buy-bust operation Biyernes ng gabi sa Pasig City.

Unang naaresto sa Barangay Bambang si Aldrin Capones. 

Ayon sa Pasig City Police, nahuli ang suspek sa Pio Alvarez Street matapos na makabili ng P200 halaga ng shabu ang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money.

Sumunod namang naaresto sa Balderama Street si Mohamman Amerol. Nakuha sa kanya ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu at P300 na buy-bust money.

Nakakulong na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.