Natagpuan ang 170 na piraso ng unexploded ordnance o UXO sa Barangay Manggahan, Pasig City nitong Martes.
Ayon kay Police Col. Gideon Ines, Deputy Chief ng Pasig City Police, nakuha ang mga UXO ng mga backhoe operator habang naghuhukay sa isang construction site.
“Project ito ng parang mga condominium. Nag-uumpisa pa lang gumawa ng mga buildings nandun 'yung backhoe operator. Habang naghuhukay, doon nadiskubre niya itong unexploded ordnance kaya nagtawag sila ng kapulisan pero September 19 na nila tinawag. Sa pagtatanong ng ating mga kapulisan doon, nadiskubre pala nila yun September 15,” sabi ni Police Col Ines.
Dagdag niya, naghintay umano ng go signal mula sa management ng ginagawang condominium ang backhoe operator at security personnel kaya hindi agad nai-report sa mga pulis.
Nasa kustodiya na ng regional headquarters ng explosive unit sa Bicutan ang mga UXO at maghahanap ng lugar kung saan maaari itong pasabugin.
“Sa information sa Barangay Manggahan itong lugar na ito is ano 'yan eh tabing ilog 'yan eh so during that time World War siguro eh doon tinapon so 'yung iba hindi sumabog."
Sa ngayon may natitira pang tatlumpung UXO na nadiskubre nitong Huwebes ng umaga at nakatakdang kukunin ng mga pulis ngayong araw.
Paalala ni Police Colonel Ines, i-report kaagad sa mga awtoridad kung may nadiskubreng UXO dahil posible itong makapinsala.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.