PatrolPH

Lola patay sa pananaga ng sariling apo sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2022 10:31 PM

Dead on arrival sa ospital ang isang 65 anyos na lola matapos siya pagtatagain ng sariling apo sa Guinobatan, Albay nitong Miyerkoles ng umaga.

Sugatan din sa insidente ang 34-anyos na tiyahin ng 23-anyos na suspek.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na bago pa man nangyari ang pananaga, pinagsisigawan na umano ng suspek ang kaniyang lola na siyang naging dahilan para sawayin sana ito ng kanyang tiyahin.

Imbes magpaawat, lalo pa umanong nagalit ang suspek, hinabol ang kaniyang lola at pinagtataga ang magnanay na biktima sa Sitio Binti, Brgy. Minto. 

Agad naaresto sa hot pursuit operation ng pulisya ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon sa ugat ng pananaga ng suspek.—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.