PatrolPH

P13-M halaga ng hinihinalang shabu kinumpiska sa Sulu; 1 timbog, 2 nakatakas

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 01:44 AM

Aabot sa P13 milyon ang halaga ng 2 kilo ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation sa Ummul Qura Village, Barangay Buanza, bayan ng Indanan, Sulu Martes.

Arestado si alias Otho na residente ng lugar kung saan ikinasa ang operasyon. Dalawa sa mga kasamahan niya ang nakatakas na tukoy na rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan.

Hanggang ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang mga nakatakas na suspek.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 si Kadjuri. — Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.