PatrolPH

Mga negosyo sa Cebu City naghihigpit pa rin kahit COVID-19 cases pababa na

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 04:43 PM | Updated as of Sep 22 2021 08:37 PM

Watch more on iWantTFC

Patuloy ang paghihigpit ng mga establisimyento at negosyo sa Cebu City sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kasama na rito ang mga restaurant, kung saan tanging mga bakunado lang ang pinapayagang mag-dine-in sa loob ng mga gusali.

Kapag hindi bakunado, puwede namang mag-dine-in pero sa labas ng gusali kakain.

May QR code at kailangan pa ring mag-fill-up ng mga detalye para sa contact tracing.

Ayon kay Jessica Vellardo, na namamahala sa isang restaurant sa lungsod, mas ligtas kung patuloy ang paghihigpit kahit sa mga kostumer.

Matumal naman ang dating ng mga kostumer sa isang salon sa lungsod dahil pawang mga bakunado lang din ang kanilang tinatanggap.

Ayon kay Jocelyn Taberna, na in-charge sa salon, hinahanapan din nila ng vaccine card ang mga kostumer.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, 2,507 ang active COVID-19 cases sa Cebu City. Noong Martes, 65 bagong kaso lang ang naitala sa lungsod.

Hindi umano ito gaya noong Agosto, kung saan pumapalo sa higit 4,000 ang active cases at 300 ang mga bagong kaso kada araw.

Wala na rin sa "critical" level ang mga ospital sa Cebu City, na ngayo'y nasa general community quarantine.

— Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.