PatrolPH

1st dose COVID-19 vaccination sa Gen. Trias, tigil muna dahil sa kawalan ng suplay

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 12:39 PM | Updated as of Sep 22 2021 01:18 PM

Watch more on iWantTFC

Suspendido muna ang pagtuturok ng unang dose ng COVID-19 vaccines sa General Trias, Cavite dahil sa kawalan ng suplay. 

Sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan, sinasabing hinihintay pa ang bagong alokasyon ng bakuna.

"Wala pong pagbabakuna ng 1st Dose ng COVID-19 vaccines hanggang Biyernes, September 24, 2021. Ito'y dahil hinihintay pa ang delivery ng mga bakuna mula sa Department of Health," anila sa isang abisong inilabas gabi ng Martes. 

Pero tuloy naman ang pagtuturok ng ikalawang dose sa mga naka-schedule. Dalhin lang anila ang vaccination card. 

"Tuloy po ang pagbabakuna sa mga naka-schedule tumanggap ng 2nd Dose ng COVID-19 vaccines. Dalhin lamang ang inyong vaccination card at magtungo sa inyong designated vaccination site," anila. 

Umaabot na sa 1.8 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Cavite. 

Binabakunahan na rin sa probinsiya ang A5, pati na rin ang mga nasa B at C priority group. 

-- May ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.