PatrolPH

5 arestado sa umano’y drug den sa Malabon

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 08:41 AM

MAYNILA—Sa kulungan ang bagsak ng 5 indibidwal matapos kumagat sa anti-drug operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Mabolo Road, Barangay Potrero, lungsod ng Malabon Martes.

Batay sa paunang ulat ng PDEA NCR northern district office, target ng kanilang operation si alyas Mommy at 4 niyang kasama. Pawang mga high-value target umano ang mga suspek. 

Bukod sa pagbebenta ng ilegal na droga sa malaking bahagi ng Malabon, nagpapatakbo rin umano ang mga suspek ng isang drug den sa Barangay Potrero.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.