Mahigit P300,000 halaga ng 'shabu' nasamsam sa Binangonan, Rizal

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 08:06 PM

MAYNILA - Aabot sa P310,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang buy-bust operation sa Binangonan, Rizal Linggo.

Ayon sa Binangonan Municipal Police Station, nakipagkita ang nagpanggap na buyer sa lalaking target ng operasyon sa Barangay Batingan at nakabili ng P1,000 halaga ng shabu.

Labing-isang sachet pa ng shabu ang nakuha sa suspek.

Ayon sa pulisya, tulak ng droga sa lugar ang suspek at nasa drugs watchlist.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.