Hinihinalang akyat-bahay patay sa engkuwentro sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 01:27 PM | Updated as of Sep 22 2019 05:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang hinihinalang akyat-bahay sa Marikina City ang napatay ng pulisya sa isang engkuwentro nitong Linggo.

Rumesponde kasi ang mga awtoridad sa tawag ng concerned citizen nang mapansin ang kahinahinalang lalaki na umaaligid daw sa isang bahay sa Barangay Malanday.

Nang puntahan ng mga pulis at lapitan ang lalaki, tumakas daw ito at lumangoy sa estero pero umahon din para paputukan ang mga pulis.

Pero sa barilan, ang suspek ang tinamaan at napatay.

Kinilala ang napatay na si Jambeel Dasmariñas na bukod sa kasong pagnanakaw ay gumagamit pa umano ng droga.

"Identified talaga ang suspek eh... Ginagawa nilang hideout ang imburnal. At the same time doon sila nagsasagawa ng paggamit ng ilegal na droga," sabi ni Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng Special Operations Unit.

Narekober sa suspek ang isang baril at bag na naglalaman ng mga ninakaw umanong gamit.

—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.