7 Chinese na nagtangkang dukutin umano ang kapwa Chinese, arestado

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 08:00 PM

MAYNILA - Arestado ang pitong Chinese nationals matapos umanong tangkaing kidnapin ang kapwa Chinese sa Pasay City.

Dinala na sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group headquarters sa Camp Crame ang mga suspek at biktima.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, habang nagpapatrolya si Patrolman Ronald Bercasi sa Gate 6 Departure Area sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, napansin nito na pilit na pinasasakay ng mga suspek ang biktima sa isang kulay puting van.

Nang kapkapan, nakuhanan ang mga ito ng mahigit P260,000, mga cellphone, at mga posas.

Sa tulong ng isang interpreter, kinumpirma rin ng biktima ang tangkang pagdukot.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.