6 arestado sa operasyon ng PDEA sa Quezon City

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 08:02 PM

MAYNILA - Anim ang arestado sa isang umanong drug den sa Brgy. Bagong Pag-asa Quezon City Sabado ng gabi.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region ang nasabing lugar.

Anim ang naaresto sa naturang drug den, kabilang ang target ng operasyon na si Alyas "Benok."

Ayon kay PDEA NCR Regional Director Joel Plaza, isang buwang nagsagawa ng surveillance laban sa mga suspek matapos makatanggap ng ulat na sangkot sila sa ilegal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang nasa P102,000 na halaga ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.