6 arestado sa buy-bust sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 04:03 PM

Anim na tao ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa isa umanong drug den sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek bilang sina Dextex Dizon, Clayron Santos, Eduardo Adorna, Marlon Cunanan, John Paul Evaristo, at Ali Garcia.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa nakatakas na target ng operasyon na si Lucrecia Adorna.

Nakuha sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.