2 suspek huli sa pagbebenta ng 'shabu' sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2019 05:14 PM

Dalawang suspek ang naaresto ng mga awtoridad noong gabi ng Sabado dahil sa umano'y pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Taguig City.

Sa ulat, kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang mga suspek bilang si Tato Kuting, 25, at Guiamelon Pagayao, 30.

Nagkasa ang mga tauhan ng NCRPO Regional Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency ng buy-bust operation laban sa 2 suspek sa may Palanan Road, Barangay Western Bicutan bandang alas-8:30 ng gabi.

Dinampot ng mga awtoridad ang mga suspek matapos bentahan ng mga ito ang poseur-buyer ng 2 sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P18,000, ayon sa ulat.

Sa gita ng pag-aresto, 3 pang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha umano sa mga suspek. Nasa 25 gramo ang timbang ng 5 sachet na nagkakahalagang P45,000.

Kakasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang 2 suspek, sabi ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.