Mga residente pinayagang makapasok sa ground zero ng landslide sa Cebu

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2018 11:54 AM | Updated as of Sep 22 2018 08:38 PM

Isa sa mga lumikas na residente ang nagbalik sa ground zero para kumuha ng mga gamit mula sa kanilang bahay. Gumagamit na rin ang rescue teams ng backhoe para mapabilis ang paghuhukay sa mga natabunang mga bahay sa Naga City, Cebu. Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

NAGA CITY, Cebu - Pansamantalang inihinto ang rescue operations sa ikalawang araw mula nang gumuho ang bahagi ng bundok sa Barangay Tinaan dito, Sabado ng umaga.

Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga lumikas na residente na makapasok sa ground zero para kunin ang kanilang mga gamit.

Watch more in iWant or TFC.tv

Samantala, gumamit na ang mga rescuer ng backhoe para mapadali ang paghukay sa lupa kung saan may mga bahay na natabunan.

May hinahanap ang mga rescue team na dalawang taong kumpirmadong natabunan sa kasagsagan ng pagguho ng lupa.

Umabot na sa 29 ang mga residenteng namatay sa landslide noong Huwebes.

Gumuho ang bahagi ng bundok sa lugar matapos ang ilang araw a pag-ulan. 

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.